BUNDOK GUINHANGDAN SA PALO, SINISIRA DIUMANO

PALO, LEYTE— viral ngayon sa social media ang post ni Avelyn Viñas sa diumanong patuloy na pagsira sa Bukid Guinhangdan na patuloy na isinasagawa ng contactor/ developer ng Crown Estates sa bandang Caloogan. Source : Facebook Comment Ito raw ay ginagawa para sa tinatawag na SLOPE PROTECTION ng sa gayon ay di raw gumuho ang lupa. Ayon sa nag post, walang kasaysayan ng pagguho ng lupa sa nasabing bukid, baka daw siguro magkaroon pa dahil sa ginagawa nila ngayon. "I will always be bantay kalibungan (kalikasan) and Guinhangdan Advocate", sabi ng uploader. "Note: ang ilang bahagi ay napatigil na dahil sa tulong at pakikipag- ugnayan sa ELCA", aniya. "Ang ikalawang parte ay binisita na ng DENR at EMB, pero patuloy pa rin sila", dagdag pa nito. Umani ito ng samutsaring reaksyon at komento galing sa mga mambabasa. "Nandito lang kami sa harap niyan, pero hindi namin alam na ganiyan na pala ang nangyayari sa loob", komento ng isang mam...