HULING PAGPUPUGAY PARA KAY NORA AUNOR
NATIONAL— nagsagawa ng huling pagpupugay para kay Pambansang alagad ng Sining para sa Pelikula na si Nora Aunor, ika- 22 ng Abril 2025.
Matapos mailabas sa Heritage Center sa Taguig, City ngayong umaga ay nagkaroon naman ng pagalala sa nasabing Metropolitan Theater sa Maynila.
Pinagkuhanan: ABS- CBN & NCCA
Ang nasabing pagalala ay nagkaroon ng pag- alay ng bulaklak sa yumaong superstar. Ilan sa mga nag-alay ay sila Ryan Cayabyab (Pambansang Alagad ng Sining para sa Musika), Alice Reyes (Pambansang Alagad ng Sining para sa Sayaw), Ramon Santos (Pambansang Alagad ng Sining para sa Musika), at Ricardo Lee ( Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula at Sining Brodkast).
![]() |
Pinagkuhanan: GMA News |
Ngayong araw din ililibing ang labi ng Superstar na si Nora Aunor sa Libingan ng mga bayani sa Taguig, City. Kung saan namataang naghihintay at kasamang nakikidalamhati ang ilang mamayang Pilipino sa pagkamatay ng nasabing Alagad ng Sining.
via Dona Writes| ASM NEWS— para ha San Miguel