May edad na, graduate pa
PALIMBANG, SULTAN KUDARAT— Hinangaan at umani ng samutsaring reaksyon at komento si Carmelita Mla, isang katutubo mula sa Tribu Manobo Dulangan, matapos makapagtapos ng Senior High School sa edad na 50, ika- 13 ng Abril ngayong taon sa Baluan National High School.
Siya ay nakapagtapos sa ilalim ng Alternative Learning Skills (ALS) ng nasabing paaralan. Kasama ang kaniyang dalawang anak na babae ay matagumpay nilang nalampasan ang buhay senior high.
Labis ang kanilang saya na nadarama na sa wakas ay natapos na nila ang yugtong ito.
Si Carmelita ay labis na nagpapasalamat sa maykapal. Hiling niya na sana ay makapag- patuloy pa sila ng pag-aaral sa kolehiyo.
Nang tanungin siya ni nasabing uploader kung ano ang kaniyang pangarap ay sinagot niya ito na nais niyang maging isang guro. Subalit, mahirap pa itong matamo sa hirap na dinaranas nila sa buhay.
Ang kaniyang kuwento ay isang patunay na wala sa edad 'yan kundi nasa puso at pagpupursigi
Sa mga nais magpadala ng tulong at suporta sa kanila ay maaari kayung magpadala ng mensahe sa facebook account ni Mr. Pokraw at doon magbigay ng kahit anong uri at halaga.
|via Dona Writes— ASM NEWS